TOM RODRIGUEZ GAME NA GAME PA RIN SA KABAKLAAN

GAME na game pa rin si Tom Rodriguez pagdating sa kabaklaan. Pagkatapos ng tagumpay ng bekiserye nila ni Dennis Trillo na My Husband’s Lover sa GMA 7, walang problema sa kanya kung gumanap uli siyang bading sa isang proyekto.
Ayon kay Tom, napakalaki ng utang na loob niya sa My Husband’s Lover dahil dito nga siya mas nakilala ng mga tao, dito siya mas pinagkatiwalaan ng Kapuso network at ito rin ang nagsilbing daan para mas dumami pa ang trabaho niya sa showbiz.
Nakausap namin si Tom sa ginanap na Kapuso Night sa Dagupan City kamakailan para sa Pangasinan Bangus Festival at dito nga niya sinabi na willing pa rin siyang gumawa ng mga proyektong may tema ng kabadingan basta naniniwala siya sa kuwento at kung mas matsa-challenge siya bilang aktor.
Hindi rin daw problema kung lalaki o totoong bading ang makakasama niya dahil aniya, wala naman yan sa gender o sexual preference ng isang artista kundi nasa tema ng istorya at kung paano ito makakaapekto sa buhay ng bawat Pinoy. Willing din daw siyang makipaghalikan o makipag-love scene sa kapwa lalaki kung talagang kailangan.
“Pero kung gagawin mo yun just for the sake of having those scenes na pwede namang wala, bakit mo gagawin. But if your director said na integral part yun ng story then I have to do it. Malalaman mo naman kung dapat mong gawin o hindi, e. Tsaka you have to trust your director,” ani Tom.
Samantala, super iwas pa rin ang Kapuso actor sa tunay na estado ng relasyon nila ni Carla Abellana. Wala pa rin daw label ang love affair nila, “The label thing is not for the two people who are… na nagkakaintindihan. The label thing is for the people who are perceiving that thing, na siyempre if you put on a label on something, people will then put on their interpretations on it.
“Yun ang mahirap, e, kasi anything that starting… in anybody’s relationship, anybody’s friendship, that’s between two people,” aniya pa.
“Kaya kung sa umpisa pa lang, it’s for everyone, parang nababahiran ng interpretasyon ng ibang tao. Nababahiran ng ibang intensiyon ng ibang tao. E, mahirap makabuo ng something special, especially one that I would like to nourish.
“Don’t get me wrong, it’s not for me or her, it’s for the people siguro around muna. So, you have to make sure what it is muna that you are trying to nurture. Kasi sayang, e, if you kill the possibility… if you’re putting it in a box.
“For now, I just wanna enjoy, see where it goes, and explore. And I can honestly say I’m happy.”
Nang tanungin ang Kapuso actor kung ilang percent na ba meron sila ni Carla para masabing magdyowa na nga sila, “See, that’s putting a label or a concept on it. Once you do that, ano ang unang iisipin ng mga tao? ‘Ay, maghihiwalay din ‘yan! Kailan kayo magbi-break?’ Once you put these labels, other labels will follow.”
Ayon sa ilang netizens mukhang for a show lang daw ang relasyon nila ni Carla, “No. And that’s precisely why I want to see and explore her close. To nurture it, because its not for show. That’s why I want to keep it.”

Read more...