Horoscope, May 2, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Mga kaibigan ang kailangan upang ikaw ay lumigaya. Tandaan na kapag nawalan ka ng kaibigan ay may lungkot at kabiguang mararamdaman. Madaliin mong makapag-asawa upang tuloy-tuloy kang magtagumpay at lumigaya. Mapalad ang 8, 19, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Ngayon na ang panahon upang magbago. Sa halip na isip ang paganahin, kumilos ka agad nang kumilos. Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya itigil na ang pagpapatansya ng isang Masaya at perpektong relasyon. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Pink at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Kung nais magnegosyo, ngayon na dapat! Mga bagay na may kaugnayan sa pagkain ang magpapaunlad sa iyo. Upang mas mabilis na yumaman, isosyo ang kasuyo na may birth date na 5, 14, at 23. Mapalad ang 9, 18, 27, 35, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Violet at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Wag umasa sa iba! Mag-establish ng sariling career at negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Hindi puwede na puro pagtitipid na lang kung ang kalusugan mo ang napapabayaan. Sa pag-ibig at pinansyal, magpasama sa kasuyo upang magpa-general check-up, sa ganyang paraan maiiwasan ang biglaang karamdaman. Mapalad ang 4, 17, 22, 26, 34, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Laging isara ang bibig at iwasang magyabang. Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit may isang naka-yellow na magbibigay sa iyo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa yellow, buenas ang pink.

Virgo – (August 23 – September 22) – Pahalagahan ang bawat oras. Samantalahin ang bawat segundong dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat minuto upang ipadama sa iyong kasuyo ang iyong pagmamahal. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 44 at 49. “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” White at apple green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Pagdating ng bahay ay bulungan ng “I love you” ang kasuyo. Sa ganyang paraan, muling iinit ang relasyon. Sa pinansiyal, tandaan ang basic principle: “Habang may pagmamahalan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran.” Mapalad ang 6, 19, 23, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Hindi pa huli ang lahat, umpisahan nang mag savings at magtipid-tipid upang may mangyari sa mga salaping pinaghihirapan. Sa pag-ibig, masarap kang rumomansa kaya hindi ka nila makakalimutan. Mapalad ang 3, 9, 19, 28, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Purple at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Tama ang ginagawa mong pag-iipon! Ngayon pa lang paglaanan na ang kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, dahil sa maling balita ay may pagsubok na darating sa inyong relasyon. Dapat kang magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 6, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Silver at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Laging lumingon sa pinanggalingan upang hindi malustay ang maraming salapi na tinatamasa sa ngayon. Isaisip ang ganitong kataga: “Kailan man ay hindi na ako babalik pa sa kahirapan!” Sa pag-iibig, makuntento sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva-Om.” Green at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala ng salapi sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap ay aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Orange at gray ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Hindi dapat maging emosyonal. Laging tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, wag seryosohin ang kasuyong Leo, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.

Read more...