MADALING malulusutan ni Manny Pacquiao ang weigh-in na gagawin ngayon na huling aktibidades para sa megafight nila ni Floyd Mayweather Jr. sa Linggo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.
Sa 147-pound welterweight division gagawin ang tagisan at sa ngayon ay tumitimbang lamang ng 144 pounds si Pacquiao ayon sa kanyang kampo.
Kaya kahit kumain pa ng kumain si Pacman ay hindi siya magkakaroon ng anumang alalahanin na hindi maaabot ang timbang.
Hindi nakakapagtaka kung bakit ganito na ang kondisyon ng katawan ni Pacquiao dahil isinalang siya ni Freddie Roach sa matinding ensayo upang putulin ang 47 sunod na panalo ni Mayweather.
“I’m not worried. I’m not nervous. I know him already and it’s not hard to prepare for this fight,” pahayag ni Pacquiao.
Tinapos na ng kanyang kampo ang pagsasanay at pagpapakondisyon na lamang ang kanilang gagawin bago sapitin ang gabi ng laban.
Ang angking bilis at lakas sa pagsuntok ang siyang inaasahang gagawin ni Pacquiao para maisantabi ang taglay na height at reach advantage ng pound-for-pound king.
“It’s going to be fun. It’s going to be a very exciting fight,” ani pa ni Pacquiao.
Dehado si Pacquiao sa laban pero hindi ito problema sa Pambansang Kamao at kahit kay Roach.
“We like pulling upsets. People love doing things you aren’t supposed to do and Manny is one of those guys,” pahayag ni Roach sa Boxingscene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.