Nathaniel pinuri dahil sa epekto nito sa mga bata

nathaniels

Gabi-gabi nang tinututukan at pinag-uusapan ang top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Nathaniel dahil sa inspirasyon at magagandang aral na ibinabahagi nito sa TV viewers.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga magulang dahil maganda ang epekto nito sa kanilang mga anak. Sa katunayan, gabi-gabing pinag-uusapan ng netizens sa social networking sites tulad ng Twitter ang seryeng pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Marco Masa.

Dahil sa magandang mensahe ng Nathaniel, umani ito ng mga magagandang papuri sa sikat na microblogging site tulad ng: “@cutiesweetrose: Ang ganda ng ‘Nathaniel,’ parang ‘May Bukas Pa’ at ‘100 Days to Heaven.” “@_thatandthis: Nakapagbibigay ng pag-asa ang teleseryeng ito, at nakakatulong na intindihin ang mga kaaway natin at mag-isip ng mabuti sa ating kapwa #Nathaniel!”

Samantala, tiyak na mas mapapakapit ang TV viewers sa kwento ng Nathaniel ngayong nagkrus na ang mga landas nina Nathaniel (Marco) at ng kanyang ama na si Paul (Gerald).

Ano ang gagawin ni Nathaniel sa oras na matuklasan niya ang maling paniniwala na itinuturo ng kanyang tunay na tatay? Si Nathaniel na nga ba ang magbibigay daan upang muling manumbalik ang pag-iibigan ng kanyang mga magulang na sina Paul at Rachel (Shaina)?

Napapanood ang Nathaniel gabi-gabi after TV Patrol.

Read more...