Erich pasok na sa Forevermore: bagong kontrabida kina Liza at Enrique?

erich gonzales

Pasok na ang karakter ni Erich Gonzales sa nangungunang primetime series ng ABS-CBN na Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Kaya asahan n’yong mas magi-ging exciting ang pagpapatuloy ng kuwento ng “The road to Forevermore.” Kagabi na napanood ang unang eksena ni Erich at mukhang promising nga ang kanyang role sa serye.

Ano ang magiging papel nya sa buhay nina Xander at Agnes? Magiging pahirap na naman ba siya sa buhay ng dalawa o magiging isa siyang kakampi? Yan ang inyong abangan.

Ito’y matapos ngang malungkot ang viewers dahil sa pagkamatay ng tatay ni Xander sa kuwento na ginagampanan nga ni Zoren Legaspi. Talagang nag-trending ito sa Twitter kasabay ng pagluluksa ng mga netizens na nagsabing mami-miss nila si Zoren sa Forevermore.

 

Read more...