Kasambahay nina Chito Miranda at Neri Naig nagsoli ng P34,000

chito miranda

MIGHTY proud si Chito Miranda sa kanyang kasambahay because of her honesty.

“May nahanap daw na P34k yung maid namin sa bulsa ng shorts ko. Buti nalang mapagkakatiwalaan kasambahay namin!
“Napagalitan ako ng asawa ko.

“Sabi ko nga “…at least alam natin na mapagkakatiwalaan yung kasambahay natin, at hindi mababayaran yun!”
“Napagalitan pa rin ako,” tweet ni Chito recently.

Ang chika ng Parokya ni Edgar frontline singer, may nagbayad sa kanya ng utang at hindi niya ito kaagad natanggal sa kanyang bulsa. Hindi naman siya talaga nagdadala ng mala-king cash sa kanyang bulsa.

Nagulat na lang siya nang mag-text ang asawa niya at sinabing may nakitang P34,000 sa bulsa niya.Napatunayan ni Chito na talagang mapagkakatiwalaan ang kanyang kasambahay at saludo ang singer sa kata-patan ng maid.

 

Read more...