KRIS ayaw daw tanggapin ang sustento ni JAMES kay BIMBY

Kayang-kaya naman niyang buhayin ang 2 anak

HINDI pala tinanggap ni Kris Aquino ang perang inaalok ni James Yap para sa mga gastusin ng anak nilang si Bimby, partikular na sa pag-aaral ng bagets.

Well, mayaman naman si Kris at kering-keri niyang buhayin na mag-isa ang kanyang dalawang anak.

Malaki siyang kumita, ‘no at kahit na anong luho ay kaya niyang ibigay sa kanyang mga dyunakis.

Hindi na nga naman niya kailangan ng tulong ni James pagdating sa pera.

Naniniwala kaming si Kris pa rin ang number one endorser ngayon at milyon-milyon ang kanyang talent fee sa mga endorsements niya, we tell you!

Anyway, ano kaya ang na-feel ni James nang ayawan ng TV host-actress ang kanyang monetary contribution para sa anak nila? Na-hurt kaya ang kanyang ego?

Ipinilit pa kaya niya kay Kris ang kanyang sustento?

Anyway, dahil hindi nga tinanggap ni Kris ang child support ay iniipon na lang daw ni James ang pera para kay Bimby para kung  anuman daw ang mangyari ay naka-save lang ang kanyang pera para sa  anak.

Read more...