PH concert tour ni JESSICA sure na

SIGURADONG-sigurado na ang gagawing show ng “American Idol” Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez sa bansa.

At ito ay hindi isang gabing pagtatanghal lang, kundi series of shows sa limang syudad.

Ito ang kinumpirma sa Inquirer (sister publication ng Bandera) ng isang source na nagsabi na dadalhin ng FM station Radio High 105.9 ang 16-anyos na Filipino-American singing sensation para sa solo concert nito sa Oktubre.

Magtatanghal si Sanchez sa Maynila, Bataan (kung saan nagmula ang kanyang ina), Baguio, Cebu at Davao.

Posibleng magkaroon pa umano ng additional show na gagawin sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila.

Sa ngayon ay patuloy pa rin itong pinag-uusapan, ayon sa source.

Ang PH tour ni Jessica ay gagawin bukod pa sa nakatakdang pagsama nito sa concert ng 11 finalists ng “American Idol” sa bansa sa Set. 21 sa Smart Araneta Coliseum.Noong isang linggo, iniulat ng Inquirer na walang gagawing solo concert sa Maynila sa mga susunod na araw dahil sa paglobo ng presyo ng bidding na ibabayad sa singer.

Gayunman, binuhay muli ang negosasyon ng Radio High, na pinamumunuan ni Francis Lumen, isang batikang concert promoter.— Inquirer

Read more...