Isa pa sa mga ni-launch sa “OPM Fresh” ay ang nakababatang kapatid ni Daniel Padilla na si JC Padilla.
Pero kung pinagsasabay ni Daniel ang kanyang singing career at pag-artista, iba naman daw ang plano ni JC, “Singer lang po ako forever.”
Si JC ay anak ni Karla Estrada sa bokalista ng bandang Orient Pearl. Ayon pa sa binata, magkaiba naman sila ng style ni DJ sa pagkanta.
“Siguro ang masabi ko lang na difference namin – hindi ko naman nilalayo ‘yung boses ko and hindi ko rin naman ginagaya (yung boses niya). Pero siguro (magkaiba) talaga ‘yung style,” aniya. Dagdag pa ni JC, “Husky ng boses ko. Mas clean kay kuya. Mas pang-pop ang boses niya.”
Pinayuhan ba siya ng kanyang ina at kapatid sa pagpasok niya sa music industry? “Bilin nila na i-enjoy ko lang ‘yung blessings na dumadating sa akin and stay humble.”
Pahabol pa ng baguhang singer, “Napakasaya ko po kasi first time ko ito pero sobrang nerbyos kasi first time ko din mag press conference. Sobrang saya na may halong kaba pero enjoy naman.”