Kris biglang pumayat, bumata, gumanda, may bagong dyowa?

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

“How are you?” ang bati sa amin ng Queen of All Media na si Kris Aquino nang magkita kami kamakailan.

Sinagot naman namin siya ng ‘okey.’ Hindi naman namin napigilang purihin ang kakaibang glow ng kanyang mukha that night.

Meron na nga kayang bagong boyfriend si Kris kaya blooming at fresh ang aura niya ngayon.

Bumata at pumayat ang mukha ni Kris that night. May kinalaman yata ang pagpapayat ni Kris sa naka-schedule niyang summer shoot sa isang glossy magazine kung saan nag-swimwear ang ina nina Bimby at Joshua.

Hindi pa man lumalabas ang magazine, ibinandera na ni Kris ang kanyang mga larawan na naka-swimwear sa kanyang IG account.

Super proud naman si Kris sa kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino sa pagkaka-delay ng sentensya na kamatayan sa OFW na si Mary Jane Veloso.

Tatlong beses umapela si P-Noy sa Indonesian government para ‘di matuloy ang parusa kay Mary Jane. Kasunod nito, sinabi pa ni Kris na nagdasal daw silang lahat ng pamilya niya for this.

Sa Instagram account ni Kris ipinost niya ang mensaheng ito, “And I kept quiet w/ the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me, but today it is my right & my privilege to say, I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT.”

“I kept quiet & just prayed. Left & right paulit ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy.

“Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother & his government to find a way to spare the life of a fellow Filipino.

We just also hope na hindi lang ma-delay kundi mawala nang tuluyan ang parusang kamatayan (sa pamamagitan ng firing squad) na sentensya kay Mary Jane sa Indonesia.

Read more...