DANIEL ‘nilapastangan’ ni ARNELL IGNACIO | Bandera

DANIEL ‘nilapastangan’ ni ARNELL IGNACIO

- June 20, 2012 - 04:53 PM

TUWANG-TUWA kami sa pakikipag-usap kay Daniel Matsunaga pagkatapos ng kanyang participation sa bagong game show ng TV5 na Game ‘N Go.

Kasi, kitang-kita namin kung paano siyang “nilapastangan” ni kafatid na Arnell Ignacio sa isang portion ng show sa basbas na rin ng mga hosts ng show na sina Joey de Leon at Edu Manzano.

“Hindi ko rin naman kasi in-expect na gagawin ‘yun nina Joey. For the sake of fun, at dahil guwapo naman talaga si Daniel, eh di mag-enjoy na lang!” say ni Arnell sa “pananamantala” niya sa bagong Kapatid artist.

Tumatawa namang sinabi ni Daniel na nag-enjoy din siya sa ginawa sa kanya ni Arnell at alam naman daw niya na katuwaan lang ‘yun.

Wala nga raw siyang dalang extrang damit na pamalit sa nabasa at nagusot-gusot niyang t-shirt, “But it was really fun.

Lahat kami masaya,” ang pabulol pa nitong kuwento.Kaya nang itanong namin kung hindi ba siya natatakot na ma-link sa comedian-TV host, ang tsika ni Daniel, “Okey lang po.

Wala naman pong problema. We’re all professionals at biro-biro lang.”

Excited nga raw siya sa mga matututunan pa niya sa Game ‘N Go at komportable siya sa paraan ng pagpapatawa ng mga kasama, including the antics of Arnelli.

Looking forward nga rin siya sa mga gagawin pa nilang segments sa show kasama ang iba pang hosts na sina Shalani Soledad-Romulo, Monica Sta. Maria at Gelli de Belen.

“Looking forward ako na mag-Sunday na uli.

The experience is really fun. For as long as everybody is enjoying, I don’t see any problem,” tsika pa ni Daniel na nag-a-undergo ng workshop on hosting, singing, dancing at iba.

Sooner or later nga raw ay inaasahan niyang kakanta at sasayaw din siya sa show.

Nang kumustahin namin ang kanyang puso after ng break-up nila ni Heart Evangelista, buong sigla nitong sinabing, “Focus muna ako sa work. Saka na iyan dahil busy na uli ako sa work.”

The fact is, friends daw sila ni Heart at paminsan-minsan nga raw ay nakaka-text niya ito, “I’m happy for her.

Kung saan siya masaya, I should be happy for  her too,” dagdag nitong tsika nang ibalita naming may mga pulitikong nali-link ngayon sa dati niyang kasintahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa naturang game show, makakasama rin si Daniel sa Third Eye, isang horror project na pagbibidahan naman ni Lorna Tolentino sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending