Arum sinabing si Pacquiao ang nagligtas kay Mary Jane mula sa bitay

MANNY PACQUIAO AT MARY JANE VELOSO

MANNY PACQUIAO AT MARY JANE VELOSO

SINABI ni Top Rank honcho Bob Arum na si boxing champ Manny Pacquiao ang tumulong para mailigtas si Mary Jane Veloso mula sa pagkakabitay matapos namang hindi matuloy ang nakatakda sanang firing squad sa kanya sa Indonesia noong Miyerkules.
Pinuri ni Arum si Pacquiao sa isang press conference para sa kanyang nakatakdang laban kay Floyd Mayweayher Jr. sa Mayo 3.
Nauna nang nagpalabas ng pahayag si Pacquiao sa telebisyon kung saan umaapela siya kay Indonesian President Joko Widodo na huwag ituloy ang bitay ni Veloso.
Idinagdag ni Pacquiao na magsisilbing “morale booster” para sa kanyang laban kung maililigtas si Veloso sa bitay.
Inilabas ni Pacquiao ang pahayag isang araw matapos namang manawagan ang nanay ni Mary Jane na si Cecilia sa boxing champ na tumulong para mailigtas ang kanyang anak.
“His Excellency, President Joko Widodo, I am Manny Pacquiao. On behalf of my countryman, Mary Jane Veloso and all of the the Filipino people, I am begging and knocking on your kind heart that your excellency will grant executive clemency to her by sparing her life and saving her life from execution,” sabi ni Pacquiao sa kanyang pahayag.
Noong Miyerkules, hindi natuloy ang nakatakdang bitay kay Veloso matapos namang ipagpaliban ni Widodo ang kanyang bitay. Itinutloy naman ANG pag-firing squad sa walong iba pang sangkot sa drug trafficking. Inquirer

Read more...