P14M jackpot sa Mega Lotto 6/45 nakuha sa Davao city

Mega Lotto 6/45


Sa Davao City tumaya ang nanalo ng P14.7 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Isa lang ang nakakuha ng mga numerong 20-05-42-14-12-24. Umabot sa P14.1 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P28,200 ang 25 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P360 naman ang 1,557 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) ang 12,000 mananaya na nakatatlong numero.
Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon. Binobola ang MegaLotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Read more...