Floyd maliligo ng suntok kay Pacman

manny pacman

PALILIGUAN ng suntok ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. at hindi niya ito bibigyan ng pagkakataong bumitaw ng mga counter punch.

“We’ll catch him by surprise. He’ll realize that he’s fighting a different lefty,” sabi ni assistant trainer Buboy Fernandez. “We’ll do things differently. Somebody will fall.”

Plano ng kampo ni Pacquiao na umatake agad ang Pinoy boxing superstar sa pagtunog ng opening bell ayon kay Fernandez.

“That’s because Mayweather turns into a hitter starting the sixth round,’’ sabi pa ni Fernandez. “He’s a slow starter, so we’ll need to engage right away.”

Subalit hindi ito nangangahulugan na magiging pabaya si Pacquiao at susugod na lang ng padalus-dalos sa laban.

“We have a game plan. There’s still a need to assess the situation. But one thing is clear, we’ll attack. If there’s a need to fire away, then we’ll do it,” dagdag pa ni Fernandez.

Batid ang husay ni Mayweather sa loob ng ring, sina chief trainer Freddie Roach, Fernandez at strength and conditioning coach Justin Fortune katuwang si Pacquiao ay nagbuo ng ilang plano para sa tinaguriang Fight of the Century ngayong Linggo sa MGM Grand Garden Arena.

“One of these game plans calls for Manny to give chase because Mayweather is expected to run. Every minute of every round, we’ll come up with something new,” ani Fernandez.

Alam na ang kanyang kababatang si Pacquiao ay nasa tamang kondisyon, nais ni Fernandez na gulatin nito si Mayweather at huwag bigyan ng pagkakataon na makabawi sa kanilang sagupaan.

“If they get close and Mayweather chose to engage, Pacquiao will unleash volume fire,” sabi ni Fernandez.
Kaya naman inaasahan na si Pacquiao ay magpapakawala ng 50 suntok depende sa sitwasyon.

“But we won’t just punch and punch without purpose and direction,” paniniguro ni Fernandez.

Read more...