Fil-Am singer kakanta ng ‘Lupang Hinirang’ sa laban ni Pacman

gail

Isang aspiring Fil-Am singer ang kakanta ng “Lupang Hinirang” sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada. Siya si Gail Banawis, na makakasama nga ng The Singing Pastors sa pagkanta ng Philippine National Anthem.

Sa interview ng GMA sinabi ni Gail na nasorpresa siya sa pagkakapili sa kanya ni Pacman, “It’s really a blessing!” Ayon pa sa dalaga, noon pa niya pangarap kumanta ng “Lupang Hinirang” sa laban ni Pacman, in fact, nag-audition daw siya last year pero hindi siya napili.

“In the past, I actually auditioned for one of Manny’s fights, tapos from there, he considered me. I tried out last year, pero the contract was given to someone else.

“Pero he still remembered me so he told me to join this fight instead,” sey pa ni Gail sa isang panayam.

Read more...