Matagal nang pangarap ni Vina at mga kapatid natupad na

vina morales

Most memorable summer vacation pala ni Vina Morales ay noong mag-Caribbean cruise sila ng kanyang mga kapatid. Matagal na raw nilang dream magkakapatid na sama-samang makapag-cruise and finally ay natupad nga raw ‘yon.

Come to think of it, sa magkakapatid na Vina (Sharon Magdayao in real life), Shaina Magdayao at Sheila – asawa ng anak ni German Moreno na si Federico Moreno at ina ng archery champion na si Gabriel Moreno – ang huli lamang ang may happy lovelife.

Although, bongga rin naman ang career sa showbiz ngayon nina Vina at Shaina. Bida si Vina sa panghapong teleserye sa Kapamilya network na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at si Shaina naman sa Nathaniel na nasa Primetime Bida.

Speaking of NKNKK, inatake ng hika ang anak ni Vina (Cecilia) sa serye na si Loisa Andallo (Bea) na nag-cheer para kina Joshua Garcia (Joel).

Kaya nag-alala ang lahat sa kalagayan ni Bea sa ospital una na si Vina na iko-comfort naman ni Christian Vasquez (Leandro).
Hindi naman maniniwala si Denise Laurel (Toni) na maysakit ang anak ni Christian kaya susugod siya sa ospital. Dahil diyan, magkakaroon ulit ng tension sa mga nakapaligid na mga tao kina Vina at Denise sa loob ng ospital.

Kung ano ang susunod na eksena, abangan yan sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Read more...