Sam tuloy-tuloy ang audition sa Hollywood

sam milby

Supposedly ay pabalik na ng Pilipinas si Sam Milby nitong Mayo 2 bilang paghahanda sa nalalapit na kasal ng bestfriend niyang si John Prats kay Isabel Oli next month.

Pero nag-extend ang aktor dahil manonood pa siya ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 2. Ang aktor kasi ang bestman ni Pratty kaya hindi puwedeng hindi dumating si Sam maski na may workshop pa siyang nagaganap kay Ivana Chubbuck sa Los Angeles.

Kuwento ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo nang makita namin sa ginanap na Star Music OPM’s launching ay nabanggit nitong padating na ang alaga niya ngayong Mayo 4 pagkatapos manood ng laban nina Pacman at Mayweather.

Nagkainteres kaming alamin kung mahilig ba sa boksing si Sam, sabi ni Erickson ay personal siyang inimbita ni Manny sa bahay nito sa Los Angeles, California at binigyan ng libreng ticket.

At isa rin pala si Sam sa naimbitahan sa Red Carpet Gala Night ng 2015 Los Angeles Pacific Film Festival at nakapanayam siya ng Pacific Rim Video correspondent na si Chris Trondsen.

Kinunan ng reaksyon ang aktor tungkol sa Asian Film Festival at nabanggit nga ni Sam na natutuwa siya dahil maraming Asian actors ang nakakapasok na sa Hollywood.

Nabanggit na rin ni Sam na dumalo siya ng workshops at nag-audition din pero hindi na binanggit ng aktor kung anong kinahinatnan.

Binalikan namin ng tanong si Erickson tungkol sa resulta ng auditions ni Sam sa Los Angeles at nasabi niyang hindi pa niya nakakausap ang aktor, “Hindi ko nga rin alam kung ano ‘yang pinuntahan niyang gala night.

Hindi pa kami nagkakausap ni Sam, alamin ko mamayang gabi, tulog siya ngayon (2 p.m.),” say ng Cornerstone honcho.
Ang ibinalita lang sa amin ni Erickson ay may gagawing pelikula si Sam pagbalik niya at isang teleserye pero hindi pa puwedeng banggitin.

At pagkatapos daw ay muling babalik ng Amerika si Sam dahil hindi pa pala tapos ang commitment niya roon.

 

Read more...