Pacman gumastos ng 5 milyong dolyar para sa ticket ng pamilya at mga alalay

floyd mayweather

From California ay lumipad na noong Lunes, April 27 patungong Las Vegas, Nevada, ang buong entourage ni Manny Pacquiao para sa laban nila ni Floyd Mayweather sa May 2 (May 3 ng umaga sa Pilipinas).

Galing sila lahat sa bonggang mansion ni Pacquiao na halos araw-araw nga nating nababalitaan ang training, pati na ang mga bonggang celebrities na dumadalaw sa kanya.

Imagine ha, nagawa siyang hintayin ni Keanu Reeves sa bahay dahil tulog pa ito nang dumating kaya’t si Jinkee ang nag-asikaso dito na siyempre pa ay ramdam naming kilig na kilig sa presence ng sikat na Hollywood actor.

Sa napanood naming mga ulat, bukod sa pamilya ni Pacman, halos lahat ng kaanak at malalapit na kaibigan ni Manny ay nasa Amerika na, pati siyempre ang dakila niyang nanay na si Mommy Dionisia na bitbit-bitbit ang dyowa niyang si Michael Yamson.

Sa totoo lang, marami ang naiinggit kay Michael dahil masuwerte itong nakasama sa entourage. O di ba, balita ngang sobrang nagkakahirapan sa pagbili ng tickets para sa naturang laban na kahit ang mga gaya nina Liam Neeson and other Hollywood friends ni Manny ay wala nang makuhang tickets, and yet, si Michael na dumikit lang kay Mommy D, eh pasok na pasok sa banga!

Read more...