Reklamo ng fans: James, Nadine kinawawa, sinabotahe sa ‘ASAP’

james reid
JaDine fans of James Reid and Nadine Lustre raised the issue of bias when their idols performed sa ASAP last Sunday.
I can feel it ang drama nila nang mapansin nilang parang sinabotahe sina Nadine at James sa kanilang production number.

Say ng isang fan ay nakaka-disappoint ang ginawang pagli-lipsynch ng dalawa sa show. Marunong naman daw kumanta ang dalawa pero bakit daw sila pinag-lipsynch ng mga taga-production.

Merong isang nagsabing may kinikilingan, may pinoprotektahan ang ASAP dahil nu’ng ibang love team na ang isinalang ay todo ang tilian ng mga tao samantalang wala man lang daw sumigaw o tumili para kina James at Nadine. Parang napakaimposible naman daw nito.

Naghihinanakit din ang JaDine fans dahil unannounced daw ang guesting nina James at Nadine kaya walang nakapuntang fans nila.Naku, ‘wag na kayong magtaka sa ASAP o sa ABS-CBN, ‘no.

Siyempre, meron talaga silang kinikilingan, ‘yung mga mas kumikitang kabuhayan tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Siyempre, sila ang bida palagi at paningit lang sina Nadine at James.

After all, hindi naman homegrown talent sina Nadine at James. Bagama’t produkto si James ng reality show ng Dos ay pinabayaan naman nila ito at kinuha na lang nila nang mag-click ang movie with Nadine.

Siyempre, nanigurado ang Dos para merong second best love team after KathNiel.

Read more...