Maling record sa SSS

MAGANDANG araw po sa inyo.

Ako si Ronald Barit. Magtatanong lang ako. 65- years-old na ako, pero di ko pa naaayos ang pension ko. May salary loan ako noon at nagsara na ang pinagtratrabahuan ko. Magkano na kaya ang babayaran ko? At isa pa po, maraming mali sa SSS ko.

Ako ay hindi nakapag-aral. Ano ang dapat kong gawin?

Sana tulungan ninyo ako. Vendor ako ng diyaryo mula nang magsara ang pinapasukan at nag-aplay po ako ng voluntary contribution. Ang mga mali po:

Name: Ronaldo – Ronald lang nailagay kulang ng letter “o”.

Bday: Dec. 26, 1952 – Nov. 26, 1949 – ito ang tunay kong kaarawan. Paano ko ito maaayos?

Maraming salamat. Pagpalain kayo ng Diyos sa inyong kagandahang loob at pagtulong sa kapwa.

Lubos na gumagalang,
Ronaldo J. Barit

REPLY: Ito po ay kaugnay sa katanungan ni G. Barit kung saan itinatanong po ninyo ang status ng inyong SSS salary loan at kung paano maitatama ang mga maling datos sa inyong SSS records tulad ng pangalan at birthday.

Para po sa inyong kaalaman, ang salary loan na hindi nababayaran ay napapatawan ng 1% penalty kada buwan at 10% interest sa bawat taong lumipas. Kaya naman ang inyong inutang sa SSS noong Agosto 1979 ay umabot na ng P9,383.62 habang ginagawa ang sulat na ito.

Kaugnay naman ng in-yong maling pangalan at birthday, ang SSS ay umaa-yon lamang sa kung anong nakasaad na pangalan at birth date sa inyong birth certificate. Kaya para po maisaayos ang inyong ma-ling records, mangyari po lamang na magdala kayo ng kopya ng birth certificate na inisyu ng National Statistics Office (NSO) o ng Local Civil Registry (LCR) office ng bayan kung saan kayo ipinanganak. Kung hindi po nakarehistro ang inyong birthday sa NSO o LCR, maaari po ninyong iprisinta sa SSS ang orihinal na kopya ng inyong baptismal certificate.

Dalhin po ninyo ang  alinman sa mga dokumentong nabanggit sa pinakamalapit na opisina ng SSS at isumite ito kasama ang sinagutang SSS Form E-4 (Member Data Amendment).

Sana po ay naliwanagan kayo sa aming tugon. Maraming salamat po.

Sumasainyo,
May Rose
DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
9247295/9206401
loc 5053

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...