‘Mahal na mahal nina Lorna, Martin at Kuya Boy ang anak ko!’

lorna tolentino

MY only son, Carlo Brian Sucaldito, turns 14 years old today. He is growing up so fast – like any typical kid na nagkakaroon na ng sarili niyang mundo and decisions. Nakakatuwa dahil parang kailan lang ay kalong-kalong ko pa siya.

I can still vividly remember nu’ng baby pa siya na tuwing papasok ako sa work before ay umiiyak at humahabol dahil gustong sumama sa akin.

Ang gagawin ko ay kakargahin ko siya at pupupugin ng halik and sometimes bring him to sleep bago ako makatakas. That, everytime I go night out ay nagmamadali akong umuwi dahil gusto ko muna siyang silipin sa kaniyang kuna before I put myself to sleep.

But those were the days – ngayon ay grown up na ang baby ko. He is even taller than I am at 14. And super-lambing pa rin pero meron na siyang limitations.

Medyo may hiya factor na kasi dahil nagbibinata. Yung mga kiss niya sa akin ay hindi na gaanong lumalapat actually – natatawa na lang ako dahil conscious na ang baby ko. Ha-hahaha!

I asked him a few days ago kung anong plano niya on his birthday – kung magpa-party ba kami or what, “Dito na lang tayo sa bahay, ‘Tay. Luto na lang ako ng carbonara. Tayo-tayo na lan.

Huwag na tayong mag-party,” aniya sa akin. I just advised him to call some of his closest friends para mag-barbecue na lang sa bahay. Konting salu-salo para lang ma-celebrate ang kaniyang kaarawan – isang maliit na thanksgiving thing kumbaga. Pa-long life lang.

He is an incoming Grade 9 student already – how time really flies! And very techy ang anak ko, ha. Nakakatuwa dahil malayo na ang narating ng anak ko – and he is growing to be a wonderful young gentleman.

Bukas-makalawa, magugulat na lang ako’t may makaka-date na iyan. Iyan ang pinaghahandaan ng loob ko – ang mga pagbabago sa kaniyang personality. Whether we like it or not, mangyayari at mangyayari talaga iyan kaya dapat ready na ako.

I am a hands-on Tatay to Caloy. I am a spoiler to a certain extent – spoiling in the sense that I provide whatever he needs lalo na sa material ones. Pero in fairness sa anak ko, hindi siya mapaghanap ng anumang materyal na bagay.

Sometimes nga, when I bring him out to shop for new clothes, kokonti lang ang kinukuha niya – kung medyo mahal nang konti, magpapaalam muna siya kung puwede naming bilhin.

Hindi siya a bilmoko kid kasi – marunong mag-ipon iyan. May sarili rin siyang savings. Kaya nakini-kinita ko na mabubuhay nang matiwasay ang anak ko should I go someday. He also cooks, he does some dishes.

What do I see in him one day? He is not sure pa raw kung anong course ang kukunin niya sa college. Paiba-iba pa kasi siya eh. Pero he is very consicous na of himself – his looks – konting vain na rin. Yung dating mga extra pounds niya are washed away na dahil nagda-diet na siya at nagdya-jogging. Bawas na ang rice niya and getting fit.

He loves basketball and soccer pero he excels in chess. Mahusay sa chess ang anak ko – a future grandmaster in fact dahil as early as 6 years old ay natatalo na niya sa chess ang mga adults. Ganoon kagaling si Carlo.

He is a wonderdul young boy – ay hindi na raw pala siya boy – young man na raw. Grabe na ito! Hindi ko na kaya – nagmamadali yatang magbinata ang baby ko. Kaloka! Pero God-fearing iyan.

Hindi barumbado and very kind to everyone. Matulungin iyan sobra. Basta lang, pag inutangan mo siya kailangang bayaran mo dahil hindi siya mapalagay pag hindi ka tumupad sa pangako mo sa kaniya.

Anyway, 14 years old na ang baby ko today. Marami siyang ninong and ninang pero ayoko silang kalampagin. ‘no! Pero ang nakakatuwa, nu’ng Sunday evening, aksidente kaming nagkita ng Ninang LT (Lorna Tolentino) niya sa Zirkoh nang manood ako ng concert ni Jo Awayan, nagkita kami ni Mareng LT at ang unang tanong niya sa akin ay “kumusta na ang inaanak ko? Ilang taon na siya?”

I told her that Carlo is turning 14 this April 29 (today), agad na kumuha ng cash si LT sa bag niya at ibigay ko raw sa inaanak niya. Nakakatuwa dahil ganoon kabait ni Lorna.

Mas nauna pa nga niyang kinumusta ang inaanak niya kaysa sa akin. Nakakatuwa, di ba?  Ang isa pang ninong niyang palaging nakakaalala sa kaniya ay si Martin Nievera. He loves Carlo very much.

Palagi niyang sinasabing si Carlo lamang ang kinikilala niyang inaanak sa showbiz na sobrang malapit sa puso niya. Kaya hindi siya makakalimutan ni Caloy – proud na proud siya of his Ninong Martin.

Ang isa pang parang ninong na rin niya ay si Kuya Boy Abunda (actually ang ninong niya talaga ay si Sir Bong Quintana – ang partner ni Kuya Boy) at tuwing magbi-birthday si Carlo ay hinihingan ko siya ng pambili ng cake. Ha-hahaha!

I am just praying that my son becomes the best that he can be – to be able to finish school and live a good life. Siguro kahit sa kabilang buhay ay nakabantay pa rin ako sa kaniya.

Ayoko siyang mahirapan – di baleng ako ang mapagod huwag lang sana siya. I am just preparing him for the future. Palaging kong ipinagdarasal sa Poong Maykapal na gabayan ang anak ko at lahat ng kabataan his age na maging safe from all sorts of harm – na maging mabubuti silang bata. I can’t imagine life without my son, Carlo Brian.

“Basta ang carbonara, ‘Tay ha. Tsaka yung cake ko, ‘Tay, kung hindi chocolate sana mocha, yung sa Estrel’s. Masarap kasi iyon eh,” he reminded me.

Kita niyo na – sa gitna ng pag-emote ko, ang reminder niya ay yung carbonara at cake niya. Kaloka, di ba? Happy birthday baby ko. Basta promise me na magiging good boy ka ha – kahit isang truck na carbonara ibibili kita.

Labyu sooooo much, baby Caloy ko. God bless you all the way. Mwah!

Read more...