Lacson nangakong ipapakulong ang mga kaibigang sangkot sa korapsyon

Lacson

Lacson


SINABI ni dating senador Panfilo “Ping” Lacson ngayong Martes na handa niyang ipakulong ang mga kaibigan at kaalyado na mapapatunayang sangkot sa korapsyon sakaling mahalal siya bilang pangulo ng bansa.
“There should only be one standard. When you fight corruption, you don’t find who are your allies, your friends or enemies,” ani Lacson.
Idinagdag ni Lacson na seryosong kinukonsidera niya ang pagtakbo sa 2016 presidential polls kung saan ang kampanya kontra katiwalian ang kanyang magiging plataporma.
Partikular na binanggit ni Lacson ang kanyang naging kampanya noong siya ay Philippine National Police chief pa kung saan nasangkot ang kanyang kumpare, isang regional director ng PNP at isang kaibigan na naka-base sa Cebu.
“Sinabi ko na no-take tayo sa jueteng. Nung makita sa blue book (ng jueteng protectors) ang pangalan niya, right away I called him ‘You have to get out,” dagdag pa ni Lacson.
Kasabay nito, sinabi ni Lacson na hindi siya nababahala sa kabila ng pangungulelat sa survey kung saan nasa ika-12 puwesto lamang siya sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), matapos makakuha ng isang porsiyento.
“Our own surveys have shown him getting double digit figures, which he said was very encouraging,” sabi pa ni Lacson. (Shane Salandanan)

Read more...