SUMUKO sa pulisya ang dalawang recruiter ng 30-anyos na si Mary Jane Velosos, na nakatakdang bitayin sa Indonesia ilang oras simula ngayon.
Nagtungo sa Nueva Ecija Provincial Police Office sa Cabanatuan City si Maria Kristina Sergio, alias Mary Christine Gulles Pasadilla, alas-10 ng umaga ng Martes, ayon sa ulat ng dzMM.
Kasama ni Sergio na sumuko sa pulisya ang live-in partner at kapwa recruiter na si Julius Lacanilao.
Ayon kay Sergio, sumuko siya dahil sa takot para sa kanyang buhay.
Una nang nagsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice ng reklamong illegal recruitment, human trafficking at estafa laban kay Sergio at Lacanilao at isang African national na nakilala lamang sa pangalang Ike.
Nakatakdang bitayin si Veloso ngayong hapon matapos ibasura sa ikalawang pagkakataon ng Sleman District Court in Indonesia ang apela nito.
Si Veloso ay nahatulang ng bitay sa pamamagitan ng firing squad dahil sa drug trafficking nang makunan siya ng 2.6 kilo ng heroin sa pagpasok nito sa Indonesia noong 2010.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.