Angel Locsin, Ejay Falcon sumugod sa Camp Crame

BUMISITA sina Angel Locsin at Ejay Falcon sa PNP Camp Crame Lunes ng umaga para maki-join sa mga pulis para sa kanilang flag raising ceremony.

Sina Angel at Ejay ay naimbitahan ng PNP Community Relations Group matapos mapanood ang first part ng Fallen 44 episode ng Maalaala Mo Kaya nitong Sabado, Abril 25.

Kasama nina Angel at Ejay sa nasabing episode si Coco Martin.  si Ejay at Coco ay gumanap bilang mga SAF commando na kabilang sa SAF 44 na nasawi sa Mamasapano incident sa Maguindanao.

Read more...