Pacquiao umapela na rin sa Indonesia na huwag ituloy ang pagbitay kay Veloso

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

SUMAMA na rin si boxing champ Manny Pacquiao sa mga nananawagan kay Indonesian President Joko Widodo na bigyan ng executive clemency ang Pinoy na si Mary Jane Veloso sa harap naman ng nakatakdang pagbitay sa kanya.

Sa isang pahayag na kanyang binasa, sinabi ni Pacquiao na magiging “morale booster” para sa kanyang nakatakdang laban kay Floyd Mayweather Jr. kung maililigtas niya ang buhay ni Veloso.
Sinabi pa ni Pacquiao na iniaalay niya ang kanyang laban para sa lahat ng mga taga-Asya, kasama na ang mga taga-Indonesia.

“His Excellency, President Joko Widodo, I am Manny Pacquiao. On behalf of my countryman, Mary Jane Veloso and all of the the Filipino people, I am begging and knocking on your kind heart that your excellency will grant executive clemency to her by sparing her life and saving her life from execution,” sabi ni Pacquiao.

Ginawa ni Pacquiao ang panawagan matapos umapela ang nanay ni Veloso na si Celia na tumulong ang boxing champ na mailigtas ang kanilang anak.

“Kung nanonood man o nagbabasa ng diyaryo o nakikinig ng radyo si Manny Pacquiao, sana Manny, tulungan mo ‘yung anak ko,” sabi i Celia. Inquirer.net

Read more...