Sa isang artikulo na inilathala ng Indonesian news network na Jawa Poss National Network, sinabi nito na ipinakita ang mga krus at kabaong na gagamitin sa mga bibitayin.
Sinabi pa ng artikulo na ang mga krus ay para kay Veloso, sa mga Australian na sina Andrew Chan at Myuran Sukumaran, Brazilian na si Rodrigo Gularte at mga Nigerian na sina Okwudili Oyatanze at Sylvester Obiekwe.
Nakalagay ang petsang Abril 29, 2015 sa mga krus.
Naaresto si Veloso noong 2010 sa Yogyakarta Airport na may dala-dalang 2.6 kilo ng heroin na nakalagay sa kanyang bag.
Nagkukumahog ang gobyerno na mailigtas si Veloso kung saan personal na hiniling ni Pangulong Aquino kay Indonesian President Widodo na mailigtas si Veloso.
MOST READ
LATEST STORIES