IBA talaga kapag si Ai Ai delas Alas ang umeeksena. Whether, sinasadya niya o hindi ang gumawa ng pasabog to add or spice up fun, matatawa ka talaga sa pagiging natural nitong mag-adlib at magbitiw ng mga dialogue.
Kaya naman mas naging comfortable ang lahat ng bagong executives na inabutan niya sa kanyang “coming home” project sa GMA 7 na Let the Love Begin.
Sa presscon ng nasabing show ay hinayaan ng lahat na mapunta ang limelight sa nagbabalik-Kapuso artist na ngayo’y tinatawag na nating Comedy Queen.
Bagay na bagay kay Ai Ai ang bagong serye ng Siyete at excited niyang naikuwento na marami pa pala siyang hindi alam as an actress lalo pa’t si Gina Alajar ang direktor nila sa soap.
“Iba pala kapag isang award-winning actress ang direktor. Akala ko ay marami na akong alam sa acting, pero mas madami pa pala akong kayang gawin,” sey ni Ai Ai na puring-puri rin ang mga co-stars niyang sina Gardo Verzosa, Gladys Reyes, Gina Pareño, Noel Trinidad, Donita Rose at Mark Anthony Fernandez, kasama pa ang tandem nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.
Tuwang-tuwa rin ang komedyana na sa kanyang pagbabalik-GMA ay makakatrabaho niya agad ang anak na si Sancho pero ang role nga nito ay assistant ng kalaban niyang si Gladys kaya’t hindi sila masyadong magkakaroon ng eksena.
Looking forward si Ai Ai sa positive result ng Let The Love Begin na magsisimula nang mapanood GMA Telebabad starting May 4.
Balitang mas naging close pala ngayon sina Ai Ai delas Alas at Vice Ganda kumpara noong nasa ABS-CBN pa ang komedyana. Mas nakakapag-text at nakakapagtsikahan daw kasi sila ngayon as magsisterakas, compared nga noon na pareho silang busy sa mga respective projects nila sa Dos. “Iba ngayon.
Kasi may rason na para magkumustahan sa mga bagay-bagay, sa trabaho, sa kung anek-anek. Dati kasi nagkakasalubong lang kayo kaya madaling mag-hi-hello.
“Ngayon, kapag nakita mo siya sa show o sa social media na may mga pasabog, keri mong mag-text o tumawag o mag-post ng comment. Basta iba, mas masaya ang ganito,” hirit pa ni Ai Ai sa matatawag na renewed friendship nila ni Vice.
Natawa na lang ito sa komento ng ilang kaibigan sa panulat na nagtanong hinggil sa isang eksenang ipinakita sa Let The Love Begin kaugnay ng komprontasyon nila ni Gardo matapos siyang magtapat ng pag-ibig dito.
Sa nasabing eksena, diretsong sinabi ni Gardo na friendship lang ang kaya niyang ibigay sa kanya na sinagot nga ni Ai Ai ng buong-ningning na, “we can never be friends.”
“Mayroon ka bang pinaghugutan sa eksenang ‘yun, or nasabi mo na ‘yun whether sa kaibigan o sa isang minamahal?” tanong ng isang colleague natin sa panulat. Isang malutong na halakhak lang ang naisagot ni Ai Ai.