2 ‘Vic Sotto’ sabay umapir sa Eat Bulaga

paolo balesteros

Nag-trending na naman ang latest make-up transformation ni Paolo Ballesteros kahapon sa Eat Bulaga.

Ginaya naman ng TV host-comedian si Vic Sotto bilang birthday gift nito kay Bossing. In fairness, kopyang-kopya rin ni Paolo si Bossing, pati ang pagsasalita nito at pagtawa!

Kaya naman tuwang-tuwa ang birthday boy kay Paolo, pati na rin si Tito Sotto at Joey de Leon na muling bumilib sa galing ni Paolo pagdating sa make-up transformation.

Mabilis na nag-trending ang litrato ni Paolo bilang si Vic Sotto sa social media and as usual napakarami na naman ang bumilib kay Paolo.

May nagkomento pa nga na kung kasaling kasali raw ang TV host sa reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar, tiyak daw na siya na ang magiging grand winner at ilalampaso niya ang lahat ng contenders.

Read more...