Michael Pangilinan payag maging ambassador ng mga beki at tibo
MAMAYANG gabi na magaganap ang Enpress Golden Screen Awards sa RCBC Makati at isa ang anak nating si Michael Pangilinan sa napusuan ng said award-giving body na makasama sa kakanta ng best teleserye theme songs sa telebisyon.
Ang nakatoka sa kanya ay ang “One More Try” na ginamit sa seryeng My Husband’s Lover. Makakasama niya sa portion na ito sina Morisette Amon, Aicelle and Thor. Si Michael ang kakanta sa finale ng kanilang segment.
Naa-identify si Michael sa mga gay-themed songs, napansin ninyo? Kasi dahil na rin siguro sa pagpatok ng kanyang “Pare Mahal Mo Raw Ako” sa Himig Handog P-Pop Love Songs ng ABS-CBN last year.
Nakakatuwa dahil kahit hindi naman kaduda-duda ang gender ng alaga natin ay siya palagi ang POV ng mga kabadingan as far as these kinds of songs come to base. Bongga, di ba?
Kasi nga, siya ang apple of the eye ng LGBT community – in fact, he is their male ambassador. Wala siyang qualms when requested by the LGBT group to represent them in some important events. Kasi nga, secured siya sa kanyang sexuality kaya wala siyang dapat ikabahala.
“Pareho lang naman ang respeto ko sa lahat, mapalalaki, babae or gay. Dami kong friends na gays, mga kaibigan ko talaga pero no strings attached nga lang. Hindi ko lang nakikita ang sarili kong may lover na bading pero as best friends, puwede.
“Ang dami kong tita na gays sa showbiz and love na love nila ako kaya why not welcome them. Sila ang tagapagtanggol ko, sila rin ang palaging sumesermon sa akin pag may narinig silang kalokohan ko.
Manager ko gay din kaya bakit ako magmamaramot sa kanila, di ba?” ani Michael na tatawa-tawa. Hoy, hindi ako bading, ‘no! Ha-hahaha! Hangga’t hindi umaamin si Allan K, hindi ako aamin. Hangga’t hindi umaamin si Kuya Boy Abunda, hindi ako aamin. Ha-hahaha!
Nakakatuwa ang batang ito kaya mahal na mahal namin and in fairness to him, he is very respectful though very childlike at times. Baby naming lahat ito ng mga writers sa circle namin.
Palagi nga siyang hinaharbatan ng ibang kaibigan natin sa press. ‘Yung katuwaan lang and Michael enjoys those moments pag hinaharbatan siya. Lalo pag meron siyang dahtung, naku, nanlilibre iyan. Nakakatuwa!
“One More Try” is a Kuh Ledesma original na bumagay sa toprated-TV series ng GMA na My Husband’s Lover, aminin natin iyan. At para pagkatiwalaan ng Enpress Golden Screen Awards si Michael para kantahin ang song na ito, it’s an honor indeed.
Makabuluhan kasi ang series na iyon and the song – whew! Kaya good luck na lang sa iyo tonight, Michael. You have to do good dahil magagalit sa iyo si Socorro Ledesma pag hindi mo nabigyan ng justice ang song niya.
Speaking of Michael, left and right ang appearances nila sa grupo niyang Harana ng Star Music. Nakadalawang songs na sila – ang “Number One” and “Long Distance Love Affair” (don’t know kung tama ang title ng second song na ito – alam niyo naman ako, talo pa ang may Alzheimer’s! Ha-hahaha!) and they will be formally launched very soon.
This month sa pagkakaalam ko. Kahapon ay nasa Astroplus sila sa SM Megamall – nag-autograph signing sila with Bryan Santos and Joseph Marco dahil hindi available si Marlo Mortel.
Pero hopefully ay makukumpleto rin sila sa ibang mga gigs nila. “Paano na ang solo career ni Michael kung ma-identify siya with Harana?” tanong sa akin ng isang writer-friend.
Walang problema iyon. Michael remains a solo artist, lahat naman sila individually ay may kanya-kanyang solo career. For fun lang ito, pa-cute lang na group from Star Music. Pero in fairness, they sound good altogether, ha!
At least mapapanood sila regularly sa ASAP as a group. Malaking tulong ito para sa mileage nila as individual artists.
Michael kasi, on his own, is recording his second solo album for Star Records.
So far, nakaanim na songs na siya and all beautifully-recorded. Very exciting ang mga nakapaloob na songs sa bagong album na ito ni Michael. Matutuwa kayo lalo na ang mga kabadingan dahil meron nang sagot ang “Pare Mahal Mo Raw Ako” sa album, it’s entitled “Pare Mahal Naman Kita” composed by Joven Tan pa rin.
Anyway, abangan na rin ang Aug. 29, 2015 big concert ni Michael sa Music Museum. This early ay pinaghahandaan na ng isang kilalang producer ang “Kilabot” concert ni Michael this August.
Kung sinu-sino ang magiging guests niya, iyan ang pinakamalaking surprise. Believe me.
Congrats, Michael!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.