MAKIKITA ng mga boxing aficionados ang pinakamabangis na Floyd Mayweather Jr. sa ibabaw ng boxing ring sa Mayo 3 (PH time) sa Las Vegas.
Ito ang binanggit ng pound-for-pound king sa kanyang conference call kahapon para sa kanilang megafight ni Manny Pacquiao sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, USA.
Ayon kay Mayweather, wala siyang ginawa sa mga nakalipas na buwan kundi ang magsanay at bagamat hindi niya masasabi kung ano ang magiging kalalabasan ng laban, tiniyak niya na nasa pinakamagandang kondisyon siya sa pagtapak sa MGM Grand Arena.
“I can’t say how it will be fought but I will be at my best of May 2,” wika ni Mayweather.
“I worry about the guy I’m fighting, Manny Pacquiao. I have trained very hard, extremely hard. I’ve been pushing myself for so long, this is why I keep working so hard,” dagdag nito.
Hindi rin niya nakikita na ang laban nila ni Pacman ang seselyo sa kanyang pagiging pinakamahusay na boksingero sa mundo.
Aniya, si Muhammad Ali ay kinikilala bilang ‘The Greatest’ kahit may mga talo siya sa kanyang boxing career.
Inulit din ng may 47-0 karta na si Mayweather ang paniniwalang siya ang pinakamahusay na boksingero at higit siya kina Ali at Sugar Ray Robinson.
“I take my hat off and acknowledge the past champs. I respect Ali like I respect any other champion. But I just did as much in this sport as Ali did. It’s hard for a guy to be like myself, still very sharp at age of 38 and still going strong at age 38. I feel like I’m the best, no disrespect to Ali. I could care less about criticism,” paliwanag nito.
Naniniwala rin siya na karapat-dapat si Pacquiao na makalaban niya dahil sa naabot ng multi-division world champion pero pakiramdam niya ay siya ang lamang dahil mas malaki siya kay Pacman.
“When he saw me in Miami, he looked kind of shocked at the size difference. I can read a fighter’s eyes,” sabi ng puno ng kumpiyansang si Mayweather.