AKO nga po pala si Nicle, taga-Pagadian, 17 years old.
Nakita ko kasi sa news paper na Bandera na may pwede palang hingian ng advice pagdating sa love kaya hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa. Kara-karaka nag-text na po ako.
Ito po ang sitwasyon: May nanliligaw po sa akin, dalawa, pero sa text lang po.
Ngayon, hindi ko po alam ang gagawin ko kasi hindi pa po ako nakakapasok sa mga ganitong bagay kaya wala po akong idea.
Ano po ba ang pwede kong gawin sa kanila para hindi sila masaktan at hindi rin ako masaktan? Natatakot din po akong pumasok sa mga bagay na yan dahil ilang beses na ako nakakita ng taong umiiyak na halos hindi kumakain dahil diyan. Sana po matulungan niyo ako.
Nicle, Pagadian
Hello Nicle! Thank you at hindi ka na nagpatumpik-tumpik pa sa pagdulog sa column na ito.
How nice! Let me first greet your hair, ang haba! Taray! Haha! In this age of technology, pati nga naman panliligaw instant na rin ha?
Okay lang naman kung ito ay isang way to communicate pero sana yung mga manliligaw mo ay humaharap din ng maayos sa ‘yo – face-to-face para makita mo kung sincere ba sila sa iyo o hindi. Kung hindi sila maglalakas ng loob to face you then you don’t have to do anything.
Sila ang nanliligaw, right? Huwag kang pumasok sa isang bagay na hindi ka sure para hindi ka makapanakit at hindi ka rin masaktan.
Totoong maraming taong umiiyak, minsan hindi nakakakain, meron pa nga, hindi rin nakaka-tulog (parang kanta ito ha…) dahil they fell for the wrong person. Ma-ging mapili at mapanuri ka sa manliligaw at paglaanan mo ng iyong puso… Also you’re still young to take relationships seriously, enjoy lang. Life is too short to be unhappy.
Ang payo ng tropa
Hi Nicle,
Wow! im sure ‘neng super kilig ka sa mga nanliligaw sa iyo sa text. Ok lang din yan sa text pero wag kang masyadong magse-seryoso at hindi matatawag na seryoso pagdating sa text lang kasi hindi mo naman nakikita nang harap-harapan.
Mas maganda talagang magpaligaw ng nakikita o nakakasama mo yung guy at nakakapag chikahan to the max pa kayo nang matagal.
Mas super duper kikiligin ka pag niligawan ka at umakyat ng ligaw sa mismong bahay nyo, makikilala ng parents at mga kapatid mo, o diba sweet?
Pag nagawa ng guy na ligawan ka sa bahay nyo, ipinapakita lang nito na may respeto siya sa iyo at sa mga magulang mo right?
Bata ka pa naman neng ha, sana maging focus mo muna ang pag-aaral mo para matuwa ang parents. Oki….
Ate Jenny B.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.