MAY malaking posibilidad na itataguyod ng Supreme Court ang suspension order ng Office of the Ombudsman kay Makati Mayor Junjun Binay.
Pinigil ng Court of Appeals ang suspension order kay Binay kaya’t pumunta ang Office of the Ombudsman sa mataas na hukuman.
Pinagalitan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang abogada ni Mayor Binay dahil sa ginamit nito ang isang desisyon ng Supreme Court noong 1959 na nagbibigay abswelto sa isang elective official ng kasong administratibo dahil sa kanyang reelection.
Noong 1959, ang mayor ng San Jose, Nueva Ecija ay inabswelto ng Korte Suprema sa administrative liability matapos itong mahalal muli ng kanyang constituents.
“It is the duty of this Court to protect honesty and integrity in public service, because the Constitution, is first and foremost, our most important document and covenant that we must uphold,” sabi ng Chief Justice kay Atty. Sandra Marie Olaso-Coronel.
Dagdag pa ni Sereno: “If we uphold your theory, we are basically going to say, with respect to all those laws, those offenses and those penalties, they cannot apply to reelected officials. That is what you’re asking us to do.”
Ibig sabihin ni Sereno, inaayunan ng Korte Suprema ang gross overpricing ng Makati City Hall Building II kapag tinanggap nito ang argumento ni Olaso-Coronel.
Natapos ang pagtatayo ng construction ng nasabing gusali noong nakaraang administrasyon ni Junjun Binay.
Dapat tayong magpasalamat na ang Supreme Court ngayon, di gaya ng dati, ay itinataguyod ang integridad at katapatan sa pamamahala ng isang elected official.
Umaani ng napakaraming batikos ang mga Binay dahil sa sinabi ni Congresswoman Abigail na gaganti sila sa kanilang mga kritiko at kaaway sa pulitika kapag naging pangulo ang kanyang ama na si Vice President Jojo.
Hindi na mabilang ang mga bloggers na nagbigay ng kani-kanilang opinyon sa social media tungkol sa kayabangan ni Abby Binay.
Sinabi ng inyong lingkod sa nakaraang column na nakakapangilabot ang tinuran na yun ni Congresswoman Binay.
Ibig sabihin ay masasamang tao ang mga Binay dahil hindi sila marunong magpatawad sa mga taong nakasakit ng damdamin sa kanila.
Dapat nilang malaman na ang pagbatikos sa kanila ay bahagi ng demokrasya.
Sige, mga botante, iboto ninyo si Jojo Binay sa pagka-Pangulo ng bansa at magsisi sa bandang huli.
Magiging masahol pa si Jojo Binay kay Ferdinand Marcos na nagdeklara ng martial law at pinakulong ang kanyang mga kritiko.
Dapat hindi natin makalimutan ang ginawa ni Makati Mayor Junjun sa mga security guards sa Dasmarinas Village na pumigil sa kanyang convoy na lumabas sa gate na sarado na.
Pinaaresto at pinakulong ni Junjun Binay ang mga pobreng guwardiya na tumutupad lang sa utos ng kanilang mga amo sa Dasmarinas Village Homeowners’ Association.
Kinampihan ni Vice President Jojo ang ginawa ng kanyang anak at sinabing dapat daw ay bigyang-galang ang alkalde ng lungsod.
Ako’y isang testigo sa pagiging abusado ni Jojo Binay nang pinasara niya ang YMCA Sports Club noong siya’y OIC-mayor pa lang noong 1986.
Hindi kasi pinayagan ng clerk ng YMCA Club na gamitin ng mga anak ni Binay ang swimming pool dahil hindi sila kasama ng miyembro ng club.
Nalaman ko ang di makatarungang pagsasara ng YMCA Club dahil ako’y miyembro noon sa nasabing club at hindi ako nakagamit ng sports facilities ng ilang araw dahil sa pagsasara nito.
Kapag ibinoto natin si Jojo Binay, makikita natin ang pagiging demonyo niya at ng kanyang pamilya.
Tama yung sinabi ng isang blogger: Ang mga Binay daw ay mga kampon ng kadiliman hindi dahil sila’y maiitim kundi sa kanilang kasamaan.