11 bata na-ospital sa tuba-tuba

tuba-tuba

tuba-tuba


Isinugod sa ospital ang 11 bata matapos silang kumain ng bunga ng tuba-tuba sa Antipolo City.
Dinala ang pito sa mga biktima sa Rizal Provincial Hospital at ang apat sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina. Ang mga biktima ay edad 6-11 taong gulang.
Naglaro umano ang mga bata sa kanilang lugar sa Brgy. San Jose at napaglaruan nila ang mga bunga ng tuba-tuba sa kanilang kapitbahay.
Kinain umano ng mga bata ang bunga at pag-uwi ng mga ito ay nagsimula na silang sumuka at sakitan ng tiyan.

Read more...