Bodyguard kinumbra ang P101.9M jackpot sa Super Lotto 6/49

lotto 6-49

Isang body guard ang nanalo ng P101.9 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 noong Huwebes.

Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Siya ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 09-18-23-25-29-35.

Ang nanalo ay 37-anyos na lalaki at mayroong asawa at dalawang anak. Siya ay body guard ng isang VIP.Nagkakahalaga ng P20 ang taya ng nanalo ng tinamaan niya ang jackpot.

Plano ng biktima na bumili ng bahay at lupa. Magbibigay din siya ng donasyon sa simbahan bilang pasasalamat sa suwerteng natanggap.

Read more...