‘Nakakaloka ang mga kadramahan nina Andi at Bret!’

andi eigenmann

Well, sana nga ay makatulong sa promo ng movie na pinagsasamahan nina Andi Eigenmann at Bret Jackson ang tsikang totoong nagkaroon sila dati ng relasyon.

Naloloka lang kasi talaga kami kapatid na Ervin kapag nasa kainitan ng intriga eh, hindi sila magsasalita, iiwas sila o magdedenay, pero kapag may mga ipalalabas na silang teleserye o pelikula ay doon sila aamin nang bonggang-bongga – at kung kailan hiwalay na sila.

Hay, ang mga artistang ganito ang masarap kutusan! Ha-hahahaha! Bukod kasi sa pagiging kontrobersyal ni Andi dahil sa kanyang masalimuot na lovelife at sa mga nagiging karelasyon niya, aba’y maloloka ka sa imahe niya ngayon bilang isang hot mama.

And take note ha, panay mga pogi at mestiso ang nali-link sa kanya gaya nga ni Bret na sa totoo lang eh, never naman naming natandaan bilang artista kundi pa sa mga naging isyu niya kay Andi at ngayon nga ay may movie na sila together. Ha-hahahaha!

 

Read more...