True ba, Gretchen Ho buntis, si Robi ang tatay?

robi domingo

Natatawa ang handler ni Gretchen Ho na si Caress Caballero nu’ng tanungin namin kung totoong buntis ang volleyball player courtesy of her boyfriend Robi Domingo.

Ang tsika kasi ng ilan naming non-showbiz friends, usap-usapan sa La Salle na nasa interesting stage na rin ang dalaga.
Kaya tinanong namin si Caress tungkol dito, “Alam mo birthmate, natanong na rin kami before, three weeks ago bago pa mawala sa ere ang The Buzz, hindi totoo.

Tumatawa nga si Gretchen kasi sabi niya, ‘ate Caress, sobrang taba ko na ba para mapagkamalan akong buntis?” “Kaya hindi totoo kasi kung totoo ‘yun, wala namang dahilan para i-deny, di ba? Pareho naman silang single ni Robi.

Saka sobrang busy ngayon ni Gretchen may dalawang shows siya sa Sports TV tapos ang dami niyang endorsements kaya malabo.”

Sabagay, wala namang dahilan para itanggi ni Gretchen kung sakaling buntis siya dahil pareho na silang nasa tamang edad ni Robi.

 

Read more...