Talagang lumaki na pala ang ulo ni Eugene Domingo. Ang dami-dami naming naririnig na chika about her. One friend told us na pinakiusapan ang hitad na mag-join sa isang promo ng isang bagong show sa network na pinagtatrabahuhan niya.
Umokey naman ang hitad, sinabing kapag natapos na lang ang taping nila at saka na lang siya kunan. Nang matapos ang taping, go kaagad sa dressing room ang hitad. Siyempre, sumunod ang kausap niya.
Katakot-takot na pakiusapan ang nangyari sa loob hanggang lumabas na malumbay ang kausap ni Eugene. Kung anu-ano raw ang drama nito, kesyo ganito, kesyo ganoon, hindi na lang sabihing ayaw niyang gawin ang promo ay pinatagal pa niya.
Heto na, ang kasama ni Eugene na si Jose Manalo ay game na game. Talagang walang pagdadalawang-salita ang guy at nag-pose ang komeyante kasama ang budding comedian na siyang bida sa show.
Nang makita ni Eugene ay nagsabi itong next time na lang siya. There will be no next time, Eugene. Hindi ka na nila kukunin.
There was also a recent blind item which clearly points to Eugene.
It’s about a personality na lumaki na ang ulo. Isang smile lang ay ayaw daw gawin ng komedyante para sa isang commercial. Kailangan daw meron pang script.
Nang pinagsuot siya ng hat ay inayawan rin ni Eugene, magmumukha daw siyang katawa-tawa. Ayun, tsinugi na lang daw si Eugene kaysa sumakit pa ang ulo ng mga taga-production sa kanya.
And one time, a friend told us that Eugene was disgusted nang mag-share raw siya ng dressing room kasama ang isang veteran star during a taping.
Naloka ang taga-production dahil napakabait ng veteran star pero para wala na lang gulo ay sinunod na lang nila ang request ni Eugene na ilipat siya sa isang solong dressing room.
Naku, Eugene, true ba ang lahat ng ito? Pakisagot nga para malinawan ang lahat.