Marian umayaw sa tomboyserye dahil ‘dinudugo’ sa English

dingdong marian

MARAMI ang natuwa na si Rhian Ramos ang ipinalit kay Marian Something para sa The Rich Man’s Daughter.

Nagkakaisa ang mga tao sa social media na bagay na bagay kay Rhian ang role bilang isang rich girl na pumatol sa isang babae. Kering-keri ni Rhian ang role, wala siyang masyadong effort na gagawin especially in delivering lines in English.

Kilalang Inglisera naman kasi ang young actress at minamani lang ito ang pagsasalita ng King’s language, unlike Marian na aminado namang medyo mahina siya sa banyagang salita.

Actually, when we first read na nag-backout si Marian sa nasabing teleserye ay hindi na kami nagulat. Meron nang nakapagsabi sa amin na ‘yun ang gustong mangyari hindi lang ni Marianita kundi ni Dingdong dahil ayaw niyang mahirapan ang asawa niya sa kanyang first time na pagdadalang-tao.

Kaya lang, meron bashers na hindi nakapagpigil at inokray-okray si Marian when she withdrew from her soap opera. “Nyahaha. Umatras kasi hindi kinaya mga english speaking lines.

Sosyalera kasi ang role, e palengkera kwin naman si Inday. So hindi kineri. Nyahaha,” mapang-asar na say naman ng isang basher. Hindi naman siguro true ‘yan.

Masyado lang talagang maselang magbuntis ang aktres kaya hindi niya carry na magdamagan ang taping.

 

Read more...