Coco, Toni movie lumaban sa ‘Furious 7’, kumita na ng P200-M

coco martin

Hindi naman nagpalamon ang “You’re My Boss” nina Toni Gonzaga at Coco Martin sa Hollywood blockbuster movie na “Fast & Furious 7,” na pumasok na nga sa listahan ng 10 highest grossing films worldwide.

Sa kabila nga ng paghataw sa takilya ng “Furious 7” nitong linggo na pinagbibidahan nina Paul Walker (RIP), Vin Diesel, Jason Statham at iba pang sikat na Hollywood actors, umabot pa rin sa P200 million mark ang “You’re My Boss” ng Star Cinema.

Read more...