Reklamo ng 1 loyal popster: Sarah isnabera sa personal!

matteo guidecelli

NU’NG April 15 ay masamang-masama ang loob na nagsumbong sa amin ni Richard Pinlac ang barkada naming si Edgar Gomez – inisnab daw siya ni Sarah Geronimo nu’ng mag-request itong magpa-picture sa kaniya.

Nangyari ito sa Promenade, Greenhills. Nakakatawa ang friend naming galit na galit dahil fan pa naman daw siya ni Sarah.
“Mantakin mong halos tabigin kami ng mga kasama niya nang mag-request akong magpakuha ng picture kay Sarah.

Pati si Sarah tumanggi dahil hindi raw siya nakaayos. Naka-pink siyang damit. Bawal ba siyang magpa-picture pag naka-pink?” ang pabirong tanong na lang ng friend namin para maibsan ang hinanakit na talagang ikinahagalpak namin.

Ha-hahaha! “Hayaan mo, sa susunod, magdadala ako ng balabal na ibang kulay para pag naka-pink siya ulit at nakasalubong ko, meron na agad akong pantabing sa suot niya. Kaloka siya.

“Suplada pala ang babaeng iyan, akala ko role model ng kabataan. Picture lang, ipinagkait pa?” aniya referring to his kaibigan na kasama sana niyang magpapakuha ng picture.

Ang katwiran daw ni Sarah and her group ay hindi siya nakaayos kaya ayaw niyang magpalitrato sa mga tagahanga niya.
Teka lang naman, nakuha nga niyang lumabas ng bahay, dapat ay handa siyang may makasalubong na magpapakuha talaga ng picture with her kasi nga sikat siya.

Hindi naman siguro siya kapangitan kung hindi nakaayos – kasi nga, manipis lang namang mag-make-up si Sarah, di ba? Maganda na siyang natural I suppose. Pero para pagkaitan ang isang tagahangang magpalitrato with you, parang nakaka-off nga iyon.

Unless nagmamadali siya at di na talaga kayang pagbigyan, pero kung dahil sa hindi raw siya nakaayos, parang hindi naman totoo iyon. Parang alibi na lang para umiwas sa mga nagpapa-picture sa kanya.

“Sa TV lang pala siya mabait. Kumpleto pa naman ako ng album niya. wala lang ako ng photo album niya pero yung mga kanta niya halos memorized ko na lahat.

Puwes, magmula ngayon, sasabihan ko ang buong angkan kong huwag na siyang tangkilikin dahil suplada siya. Hmp!” talak pa ni Edgar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maka-get over sa sinabi niya about the color pink.

Ha-hahaha! Baliw talaga itong si Edgar. Hayaan mo, pag nakasalubong namin si Sarah ay ime-mention namin sa kaniya ang pangyayari.Baka kasi yung mga assistant lang niya ang tumabig sa iyo.

Sa pagkakilala kasi namin kay Sarah G ay mabait namang bata ito. Wala pa naman kaming nababalitaan in the past na nangdedma siya ng fans.Sana pag nakasalubong namin siya ay ibang kulay ang suot niya para di niya kami isnabin. Ha-hahaha!

 

Read more...