Mabuti naman at may personal nang kumausap kay Rufa Mae Quinto tungkol sa mga isinusuot niyang outfit sa Wil Time, Bigtime.
Seksing-seksi mang tingnan ang mga isinusuot niya ngayon ay puwede na rin dahil kahit paano’y may takip na ang kanyang dibdib.
Naalarma ang produksiyon nu’ng minsang umere ang sexy actress na nakalantad na ang magkabilang boobs, kahit anong anggulo ng pandadaya ang gawin ng mga cameraman ay ganu’n pa rin ang kalalabasan, masisilip pa rin ang kanyang mga dibdib na nagmumura sa pagsigaw.
Okey lang sana kung hindi nang-aagaw ‘yun ng pansin, pero kakalog-kalog at kumakalembang ang kanyang mga boobs, palibhasa’y may kalawlawan na ang tubo nu’n.
Pinagpalit agad siya ng damit ni Willie Revillame, nang bumalik si Rufa Mae sa ere ay naka-jacket na siya, at nu’ng magkaroon sila nang mahaba-habang patalastas ay ibang damit na ang kanyang suot.Sexy pa rin ang damit, pero hindi na naglalantad sa kanyang mga dibdib, may kipkip nang respeto sa manonood lalo na sa mga bata ang kanyang outfit.
Dapat lang namang maging malinaw para kay Rufa Mae kung anong programa ang kanyang pinasok, kailangang malinaw sa kanya na ang Wil Time, Bigtime ay paboritong show ng mga bata, kaya hindi siya dapat nagsusuot ng mga damit na hindi tama sa sitwasyon.
Sexy si Rufa Mae, makinis din siya at maganda, pero kailangan pa rin niyang ibagay sa okasyon ang mga damit na isinusuot niya.
Hindi naman kasi katawan ang ipinupuhunan sa WTBT, galing sa pagho-host ang kailangan nila du’n, hindi naman naglalantad ng maseselang bahagi ng kanilang mga katawan sina Mariel Rodriguez at Camille Villar pero lutang na lutang ang kanilang galing bilang co-host ni Willie Revillame.
Sa totoong-totoo lang!