MABUTI naman at natanggap na ni Manny Pacquiao ang kanyang pagkatalo sa nakaraang laban nila ni Timothy Bradley kahit marami pa ring nagsa-sourgrape na mga kababayan natin sa naging resulta ng labanan.
Luto raw ang laban, halata raw na dinaya si Manny dahil kung puntos daw ang pag-uusapan, di hamak daw na lamang si Pacquiao kay Bradley.
Pero ganoon talaga, di ba? You win some, you lose some.
May mga hurado naman kaya dapat irespeto ang desisyon ng mga ito.
Kaya sila kinuhang mga hurado because they know best sa ganitong labanan.
Baka sa mata lang natin panalo si Manny pero sa criteria na bumabalot sa koponan ay talo talaga siya ni Bradley. Kungsabagay, malay naman natin sa boksing e, Miss Universe lang naman ang pinapanood ng mga baklita, di ba? Ha-hahaha!
“Halata namang pinatalo ng organizers si Pacquiao para mas malaki ang kikitain nila sa susunod na laban. Unang-una, Las Vegas is a Sin City at nandoon na lahat ng Mafia o sindikato kaya hayun, sinampulan lang nila si Pacman.
Hindi puwedeng pumalag si Pacquiao pag hawak siya ng Mafia, it’s either he loses everything or he’s dead.
Ibang maglaro ang mafia sa Amerika.
“Yung mga malalaking celebrities sa iba’t ibang sektor ay kontrolado nila.
At wala silang pinatatawad, they can make you or break you.
Kung naalala n’yo pa ang kuwento ng mga malalaking celebrities in the past, kahit babae ay hindi nila pinatatawad.
Wala sa kanila ang puso-puso – it’s money and power. That’s their rule.
“Kung si Marilyn Monroe nga na napakagandang babae ay hindi nakaligtas sa mafia, si Pacquiao pa kaya?
Di ba’t may rumor na pinapatay talaga ng mafia si Monroe noon?
Kaya kahit alam ni Pacquiao na niluto halimbawa ang laban, hindi siya puwedeng pumiyok at baka di na siya makabalik sa Pinas,” anang isang friend nating parang may criminal mind.
And that’s possible, ha. Maraming high-profile celebrities na hawak daw ng mafia sa US.
Yung ganyang status ay mai-enjoy mo lang pansumandali until such time that you decide to quit para makawala sa kanila.
Kaya siguro nagmamadali si Pacquiao na mag-retire na sa boxing after some more committed fights para makawala na rin siya sa kamay ng sindikato.
Ang isa pang nakakaloka ay itong si Mommy Dionisia dahil may drama pa itong hinimatay at isinugod yata sa hospital or what.
Then, a few minutes later ay hindi naman daw siya hinimatay, nahilo lang.
At hinahamon pa raw nito ang nanay ni Bradley na makipagsuntukan sa kanya for some money.
Aba, marunong na rin sa negosyo si Mommy Dionisia, ha.
Gusto na ring makipagboksing pero may katapat na cash prize. Hawa-hawa na ba ‘to?
May iba namang mabababaw na isinisisi kay Jessica Sanchez ang pagkatalo ni Pacquiao. Ano naman ang kinalaman ni Jessica sa pagkatalo ni Pacman, aber?
Siya ba ang pumigil kay Manny na manuntok?
Siya ba ang humarang sa boxing arena?
Hindi porke kinanta niya ang “Star-Spangled Banner” ng America ay naipanalo niya ang laban ni Bradley.
Kakaloka talaga ang mga kababayan nating grabe ang crab mentality – as in super-crab talaga!
Ang dapat sana sa ating mga Pinoy, ipakita natin sa buong mundo that we are great professionals, too.
That we are sport too, like them.
Hindi yung palagi na lang tayong may reklamo pag hindi natin nakuha ang gusto natin.
Nu’ng manalo si Papa Phillip Phillips against Jessica Sanchez sa American Idol, nagalit kayo dahil feeling n’yo mas deserving si Jessica when she’s not.
Ngayon ay si Jessica naman ang pinagdidiskitahan ninyo dahil natalo si Manny.
Saan na kaya sila lulugar niyan.
Ang tanong, magkano ba ang share ninyo sa napanalunan ni Manny Pacquiao at ganoon na lang kayo magwala for him?
Baka nga hindi kayo pansinin ni Manny pag-uwi niya, eh.
Baka sa kanya naman kayo magalit, at baka maisumpa n’yo pa. Think Pinoys, think!