Sey ni KC: Ang sarap uling kiligin sa lalaki!

So, may bago na palang lalaki sa buhay ni KC Concepcion.

Isang non-showbiz guy daw ang nagpapakilig ngayon kay KC, pero tumanggi siyang pangalanan ang lalaki dahil hindi pa naman sila.

Though sinabi ng TV host-actress na hindi pa siya handang magka-boyfriend uli, ine-enjoy lang daw niya ‘yung feeling na muling kiligin sa isang lalaki, “Masarap palang kinikilig ulit kasi I’m excited to fall in love again.

Excited ako na ano ulit.

Pero huwag muna ngayon, huwag muna.

“Kasi ito nga, yung free time ko, ipipikit ko na lang, ipapahinga ko na lang.

So, unfair din kung magkarelasyon ako ngayon,” say pa ni KC.

Read more...