Mega kinawawa ng Bashers; tinira ang pagiging Judge sa ‘Your Face…’

sharon cuneta

NAG-TRENDING ang beauty ni Sharon Cuneta last weekend.

We don’t know why she trended until we discovered on social media how her name became a trending topic. Marami pala ang sobrang na-OA-n kay Mega when they watched the recent episode of the reality show where she was one of the judges.

Panay lang daw kasi ang tawa nito while judging, very typical of her.Halatang asar na asar ang mga tao sa social media especially in the website where the story why she trended surfaced.

“Ang di ko gets kay sharon, mga comments nya e kesyo gayang gaya, pero scoring 1pt lang bibigay nya. plus tawa ng tawa OA nga tlaga! Kwawa nga si Jed Madela sa kanya pag laugh sya ng laugh!” chika ng isang guy.

“Korek! pag si megabody na ang magsasalita kitang kita na sabik na sabik at uhaw na uhaw sa moment. Super thank you pa sya sa twitter dahil high ratings, naku please hindi dahil sayo no?

“Yun ay kundi dahil sa mga effort at nakakatuwang performances ng contestants. Nakakailang tingnan ang sandamukal nyang fez and body sa screen! Oh my mam charo why did you take her in again???” sarcastic comment naman ng isa pa.

“Used to work sa kaF and i’ve seen how mean she is. Kaya OA kse di natural sa kanya ang pagiging mabait. Panggulo lang siya sa Your Face! Hindi siya marunong mag-judge. laugh ng laugh na parang eng-eng!” mataray naman na say ng isa pa.

This guy nailed it when he said, “Yung patawa tawa niya kasi kahit wala namang nakakatawa, too distracting. Sa edad niya, you would think, she would have matured pero di pa rin.

I guess kaya siya OA, over the years, she was surrounded by indulgent people and also enablers, who always give her what she wants to hear rather than what she needs to hear. Kaya kala niya, iyong kilos niyang ganyan, yung pa-cute at bungisngis ay okay lang.”

One Sharon defender said naman, “C’mon guys. Mababaw lang ang kaligayahan ni ate Shawie. Pati ba naman yun ay big deal? wala ba kayong friends na OA din makatawa? yung tipong bago magsalita natatawa na ng bongga?”

Nasa Thailand si Sharon kaya hindi pa siya nakakapag-react sa bagong issue sa kanya. Let’s wait kung papatulan niya ang mga bagong pamba-bash sa kanya. But knowing her, tiyak na may paglalagyan ang kanyang detractors.

Read more...