A FEW weeks ago ay naisulat ko na sa column ko rito ang tungkol sa ibinulong sa akin ng very reliable source ko about the forthcoming Pacquiao-Mayweather bout sa Las Vegas on May 3.
Among those na sinabi ng aming source are the following: that Mayweather agreed na lumaban finally kay Pacquiao on following conditions: 1) he gets 60% of the money (60-40 sila); 2) he gets as much tickets para sa laban – kanya ang mga bonggang tickets, among others.
Pero ang deal daw sa labang ito ay mananalo si Pacquiao at magkakaroon ng rematch kung saan si Mayweather naman ang mananalo and they will finally do a final match na hindi na natin alam kung sino ang magwawagi.
So far, tama ang first two demands niya – ang 60-40 deal at ang tungkol sa bentahan ng tickets. Kaya kita niyo naman, kahit si Pacman ay hirap makakuha ng ticket unlike his past bouts.
Ang hinihintay na lang natin ngayon ay kung totoong si Pacman nga ang mananalo. “Makakabili lang ng mamahaling tickets pag nag-back out ang ilang Chinese businessmen na nagpa-reserve.
Naglabas kasi ng batas ang China na hindi puwedeng makita ang mga Chinese businessman sa laban dahil isa itong form of gambling. Kaya wait and see na lang muna sila,” sabi pa ng source natin.
“Eh kung hindi na lumaban ulit si Pacquiao after niyang manalo, may magagawa ba si Mayweather? Kung sakali, first time ni Mayweather na matatalo dahil he has won all his past fights,” tanong ng isang boxing enthusiast.
Hindi raw puwedeng hindi pumayag ng rematch si Pacman dahil patay siya sa mafia. Hindi siya paliligtasin ng mga ito – alam niyo naman daw ang ganitong high profile na laban, hawak ito ng sindikato ng Vegas.
That’s the deal, at kung hindi sila susunod, patay sila – puwedeng literally. What’s amazing about this bout, everyone’s on their toes. Kahit big stars sa Hollywood ay kaniya-kaniya ng manok. Even si Sylvester Stallone ay kampi raw kay Pacman.
Nakakatuwa, di ba? Sino ba ang mag-aakalang this poor boy from Gensan will be the world’s hottest boxer, di ba? Imagine, puro malalaking tao ang bumibisita sa training camp niya sa US! Big star na talaga si Pacman kaya abot-langit ang tulis ng ilong ng asawa niyang si Jinkee.
Pati si Mommy Dionisia ay unreachable star na ang dating. Kaya the more na peprente rito ang mga nakadikit kay Pacman para makita sa cameras – with Chavit Singson, Jake Joson, Eric Pineda – who else? Lahat iyan ay tiyak na mag-aagawan na naman sa frame right after ng match.
Nakakatawa sila, parang mga uhaw na uhaw sa publicity, talagang mga nakapwesto para makita sa photo-ops and interviews. Mukhang mga KSP to the highest level, di ba? Ha-hahaha!
Wait, napag-iiwanan na yata ako ng panahon – sino nga ba ang kakanta ng Philippine National Anthem this time? Parang nakaligtaan ko ito, ah. Naka-focus kasi ako sa mga ibinulong ng source ko eh.
Suwerte ng kakanta ng “Lupang Hinirang” dahil sobrang laki ng mileage na makukuha niya rito. Good luck na lang kay Pacquiao. Kung magkatotoo ang sinasabing mananalo nga si Pacman, puwede na akong magtayo ng kubol sa Quiapo.
Ha-hahaha! Bilib ako sa source ko, talagang detalyado. Hindi kaya kasama siya sa mafia? Kalurky!