Umabot lamang sa 291,205.61 ang laman ng 23 bank account ni Revilla na karamihan ay sarado na.
Nagpalabas ng garnishment order ang Sandiganbayan First Division kaugnay ng plunder case ni Revilla upang may mabawi ang gobyerno sakaling mapatunayang guilty ang senador.
Hindi naman isinama sa garnishment order ang tatlong bank account ng misis ni Revilla na si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla na may kabuuang lamang 39,192.66.
Si Revilla ay kinasuhan kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback o komisyon mula sa non-government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang malaking bahagi ng kanyang pork barrel fund.
Nagpadala na rin ng Notice of Garnishment ang korte sa mga kompanya na may shares of stock ang senador gaya ng GMA Network, Palms Country Club, Alabang Country Club, Fairways and Bluewater Resort Golf and Country Club In., at San Miguel Corp.
Pinadalhan na rin ng Notice of Garnishment ang mga lupa ni Revilla sa Tanay, Rizal, at Alabang, Muntinlupa.
MOST READ
LATEST STORIES