Retiradong empleyado ng gobyerno nanalo ng P1.3M sa lotto

lotto 6-digit


Isang retired government employee ang nanalo ng P1.3 milyong jackpot prize ng 6-digit Lotto.
Kinuha na ng 68-anyos na nanalo ang kanyang premyo na gagamitin umano siya upang maipagawa ang kanilang bahay.
Ang nanalo ay may-asawa at dalawang anak. Siya ay taga-Pasig City.
Siya ang nakakuha ng mga numerong 9-3-9-6-8-5 sa bola noong Abril 16. Ang mga numero ay nakursunadahan lamang niya.
Nagkakahalaga ng P50 ang kanyang taya ng manalo at noong 1995 pa siya nagsimulang tumaya sa lotto.

Read more...