TUWANG-TUWA si Janno Gibbs kapag pinapanood daw niya ang Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN. Nasabi pa nga nitong if ever man na nasa ABS-CBN siya, tiyak daw na sasali siya sa ganu’ng klaseng show.
“Ginagawa ko na kasi ang mga ganu’n at masarap tingnan ang mga kapwa mo singer-interpreter o songwriter o musician na sinusubukan ang mga ganu’ng bagay,” sey pa ng producer-singer-composer ng “Novela”, ang bagong album niya sa GMA Records.
Aliw na aliw siya sa mga kalahok ng show lalo na sa dating kasamahan niya sa Sunday All Stars na si Jolina Magdangal. Saludo din daw siya sa husay nina Nyoy Volante at Karla Estrada kaya’t naintriga kami kung bakit ang dating kapwa-Kapuso nitong si Jay-R ay tila nakalimutan niya.
“Ay oo nga pala, mahusay siya. Given na yun. Pero hindi ko alam kung bakit parang naiilang akong tingnan siya sa ibang mga ini-impersonate niya. Para kasi sa akin, isa siyang matinee idol.
Yun bang, pagka-groovy niya ang impression mo at hindi yung….ay, basta!” ang pabitin pa nitong nasabi. Kaya’t nauwi na lang ang aming kuwentuhan sa “Novela” album niya na compilation ng themesong ng mga sikat na teleserye ng GMA 7, at karamihan nga rito ay kanyang sinulat at inawit.