Sulat mula kay Marie Anne ng Molugan, El Salvador, Misamis Oriental
Problema:
1. Bakit kaya until now 33 na ang edad ko sa darating na December 13, wala pa rin akong nagiging seryoso at totohanang boyfriend, samantalang noong high school at college ako ay nagka-boyfriend naman ako kaya lang lahat ng relasyong dumating ay panandalian lang hanggang sa nakapagtrabaho ako bilang public school teacher. Simula noon wala ng dumating na manliligaw sa akin hanggang sa umedad ako na 32 na sa ngayon. Ako ang bunso sa aming limang magkakapatid na may asawa na lahat, kaya pinag-aasawa na din ako ng mga magulang ko.
2. Itatanong ko lang sa inyo, kung sa edad kong ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa at kung may sarili na akong pamilya, magkaka-anak pa kaya ako at magiging maligaya kaya ang itatayo naming pamilya ng lalaking mapapangasawa ko? At nais ko ring malaman kung sakaling makapag-aasawa pa ako, kailan naman kaya ito magaganap? December 13, 1982.
Umaasa,
Marie Anne ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Leo ang nakatakda mong maging boyfriend hanggang sa tuluyan mo ring mapapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mo namang 13 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25 ang manliligaw sa iyo, kung saan, ang lalaking ito rin ang siya nang magiging boyfriend mo sa taon ding ito ng 2015, sa edad mong bago sumapit ang 33.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang pangarap na magkaboyfriend at makapag-asawa, lagi kang magsuot ng kulay na dilaw at pula. Sa ganyang paraan, sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon susuwertehin ka at habang buhay na magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Marie Anne ayon sa iyong kapalaran hindi ka dapat mainip at hindi ka rin dapat kabahan, dahil bago ka pa isinilang nakatakda na ang magaganap. Ayon sa iyong tadhana, hindi ka tatandang dalaga, sa halip, isang lalaking inilarawan na sa itaas ang iyong magiging boyfriend at tuluyan na ring mapapangasawa sa taong ito ng 2015 sa buwan ng Mayo o kaya’y Oktubre, at sa nabanggit na panahon, magiging maligaya hanggang sa sumapit ang 2018 sa edad mong 36 pataas makapag-aasawa ka na at magkakaroong ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.