Dami na namang kaganapan sa showbiz – yung isyu ng hiwalayan nina Maja Salvador and Gerald Anderson na parang biglaan din ang dating. Ano raw ba talaga ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa? For sure ay merong third party ito – hindi raw puwedeng wala.
Kung sinuman ang may “other” ay hindi pa natin batid pero may feeling kami kung sino sa kanila ang merong isyu. Hindi pa namin confirmed kaya quiet muna kami.
Nandiyan din ang gulo diumano between Nadia Montenegro and Precy Ejercito na unti-unti nang lumalaki sa social media at inaasahang titindi pa in the next days.
Don’t know yet the details on this pero may mga konting idea na kami. Ayoko lang patulan dahil parehong mahal ko ang dalawang ito – it’s their issue not mine anyway.
Pero ayokong ma-hurt ang sino man sa kanila kaya mas mabuti na lang na huwag na akong mag-comment.